Ang aplikasyon ng bisa sa Schengen para sa Embahada ng Pederal na Republika ng Alemanya ay maaaring isumite, sa pamamagitan ng pagtatalaga ng isang appointment at tanging sa pamamagitan ng personal na pagsumite ng aplikante,sa VFS Visa Application Center para sa Alemanya, Lunes hanggang Biyernes, mula ika-pito hanggang ika-dalawa ng hapon.
Bago mag-apply, kailangang tiyakin at malinaw ang layunin ng pagbisita. Pakatandaan na narito kami upang tulungan kayo sa buong proseso ng aplikasyon ng bisa, ngunit kami ay hindi pinahihintulutan na magbigay ng payo o gabayan kayo sa pagpili ng kategorya ng bisa. Ang aming trabaho ay limitado at para lang sa pangangasiwa ng aplikasyon ng bisa at serbisyong administratibo. Hindi kami maaaring maggbigay ng garantiya na mabigyan ng bisa o gaano katagal ang proseso ng aplikasyon dahil ito ay ganap na karapatan ng Embahada.
Kinakailangang magtalaga ng isang appointment kung nais bisitahin ang Visa Application Center: Upang maiwasan ang tagal ng oras ng paghihintay dahil sa mataas na dami ng mga aplikante na nag-a-apply sa parehong oras. Aming inirerekumenda na magtalaga ng appointment bago bumisita sa Visa Application Center. Ang pagtatalaga ng appointment ay walang bayad at ito nakasalalay sa pagkakaroon at dami nang nagtatalaga. Kung nais magtalaga ng isang appointment, mangyaring pindutin dito.
Mangyaring kumpletuhin ang Form ng aplikasyon ng bisa nang buo, tiyakin na ito ay nalagdaan, mag-print ng isang kopya at dalhin ito sa araw nang itinalagang pag nasumite ng bisa.
Suriin ang mga kinakailangang bayaran at mga dokumento. Ang mga detalye dito ay matatagpuan sa kani-kanilang mga kategorya ng bisa sa ilalim ng seksyon na Bisa para maikling pananatili
Tiyaking ang litrato ay mahigpit na sumusunod sa mga pagtutukoy ng Embahada.
Tiyakin na nabasang mabuti ang mga abiso sa seguridad regulasyon bago ang nakatakdang pagbisita sa Visa Application Cente
Isumite ang iyong aplikasyon kasama ang pasaporte at mga kinakailangang dokumento sa sa aming Application center para sa Alemanya sa Manila o Cebu.
Sa pagdating sa Visa application center, kailangang ipakita ang iyong appointment letter, kumuha ng token sa pasukan at umupo sa waiting area. Ikaw ay tatawagin sa aming submission counter, kung saan susuriin ang iyong aplikasyon, mga sumusuportang dokumento, iyong litrato, pasaporte ay susuriin para sa bisa, at ang iyong impormasyon sa biometrics. (kung saan naaangkop). Sa huli, bibigyan ka ng resibo bilang pagkilala sa iyong aplikasyon para sa mga binayaran sa bisa at serbisyo
Mangyaring tandaan na ang mga aplikante at tagapag-alaga / gabay lamang ang papayagan na pumasok sa loob ng Visa application center.
Itrack ang iyong aplikasyon online.
Kolektahin ang iyong pasaporte mula sa Visa Application Center o maghintay ng paghahatid ng courier.