Button Top

Alamin Ang Mga Uri Ng Bisa

Panimula

Mahalagang paalala: Ang “Visa Application Centre” para sa Germany (VAC) ay nagbibigay lamang ng mahahalagang impormasyon at tulong sa serbisyong pang administratibo tulad ng pagkolekta ng aplikasyon para sa bisa, at pagsasauli ng pasaporte kasama ng desisyon sa aplikasyon ng mga aplikante na may kinalaman sa Negosyo, Manlalayag, Bisita ng “Exhibitor of Fairs”,Turista at Bisa para sa Pagbisita sa kaibigan o kamag-anak.

Ang desisyon sa pagbibigay o pagtanggi sa bisa ay ginagawa lamang ng opisyal ng Konsulado o ng Imigrasyon ng Embahada ng Pederal na Republika ng Alemanya. Lahat ng aplikasyon ay inaalam alinsabay sa panuntunan at patakaran ng Pederal na Republika ng Alemanya at ang “VFS Global” ay walang kinalaman o impluwensya sa magiging kakalabasan ng aplikasyon at hindi makapagbibigay ng anumang payo na may kasiguraduhan.

Para sa magsusumite ng aplikasyon ng bisa

Ang mga aplikante ay maaaring makapag- apply ng bisa 3 buwan bago ang nilalayon na petsa ng pag-alis at hinihiling na basahing mabuti ang lahat ng impormasyon sa website na ito. Ang mga nakalistang patnubay sa website na ito ay makakatulong upang maihanda ang tumpak at mga kinakailangang dokumento hanggat maari.Ito ay makakaiwas sa kakulangan ng iyong aplikasyon ng bisa o sa mas mahabang panahon nang pagproseso.

Ang Schengen bisa ay kinakailangang makuha sa embahada/konsulado ng bansa na kung saan ang pangunahing layunin ng paglalakbay. Kung gayon, suriing mabuti ang planong paglalakbay bago isumite ang iyong aplikasyon sa Embahada ng Alemanya. Kung sakaling maraming mga bansa sa Schengen ang iyong pupuntahan; maaaring isumite ang iyong aplikasyon sa embahada/konsulado na kung saan ang pinaka maraming bilang ng araw ng iyong pananatili. Kung ang araw ng iyong pananatili ay tugma sa isa o higit pang bansa sa Schengen, Maaaring isumite ang iyong aplikasyon sa embahada/konsulado sa bansa kung saan ang unang pagpasok.

Sakaling makumpirma na ang iyong Schengen bisa ito ay kailangang makuha o iapply sa Embahada ng Alemanya. Kailangang siguraduhin ang dahilan ng iyong pagbisita. Sumangguni sa mga uri ng bisa upang maunawaan ang mga detalye ng ibat-ibang kategorya ng mga bisa. Ang mga aplikante ay maaaring pumili ng uri ng bisa depende sa kanilang “PANGUNAHING DAHILAN NG PAGLALAKBAY” at “BILANG NG ARAW NG PANANATILI”.

Para sa kategorya ng Schengen bisa (pananatili hanggang 90 araw): Ang mga ibang nas na nagnanais na maglakbay sa Alemanya ay kailangang nagtataglay ng wastong bisa, maliban sa mga nasyonalidad  na kabilang sa mga bansa na hindi kasama sa listahan ng mga bansa na may obligasyon na magdala ng bisa upang makatawid sa mga hangganan para makapanatili sa mga nasasakop ng Schengen na hindi hihigit pa sa tatlong buwan (90 araw) sa loob ng anim na buwan (180 araw) mula sa petsa ng pagpasok sa mga nasasakop ng Schengen.

  • Ang bisa sa Schengen ay pinapayagan ka na maglakbay sa alimang mga sumusunod na bansa:
  • Ang mga mamamayan ng mga sumusunod na bansa ay hindi nangangailangan ng bisa para sa turista sa pagsok sa Alemanya
  • Listahan ng mga Bansa na nangangailangan ng isang Visa upang mkapasok sa Alemanya

Kung sakaling alam mo na ang uri ng bisa na iyong kailangang applyan, basahing mabuti ang lahat ng impormasyong may kaugnayan sa kategorya na naglalaman ng tungkol sa bayarin ng bisa at bayarin sa serbisyo ng VFS, mga kinakailangan mga dokumento, ispesipikasyon ng litrato at tagal ng pagproseso kaalinsabay ng aplikasyon ng bisa na nakapaloob sa kategoryang iyon.

Kung ang lahat ng mga kinakailangan para sa kategorya ng bisa na kung saan nila ninanais na ilagak ang kanilang aplikasyon ay nakumpleto na, handa ka na para mag-aplay ng bisa sa Alemanya.

Susunod