Button Top

PAGTATALAGA NG APPOINTMENT

PARA SA MAIKLING PANANATILI (PANANATILI HANGGANG 90 NA ARAW)

Pinapayuhan na magtalaga ng appointment sa aplikasyon ng bisa sa lalong madaling panahon kung ang aplikante ay may kumpirmasyon na nang kanyang paglalakbay. Ito ay pagbibigay ng sapat na oras sa embahada upang maiproseso ang aplikasyun ng bisa (alamin ang oras ng pagproseso batay sa iba’t- ibang katergorya ng bisa) at ito pagbibigay konsiderasyon sa araw na ang opisina ng VFS o ng Embahada ay nakasarado (tingnan ang araw ng pista opisyal o sarado ang opisina)

Ang aplikasyon para sa bisa ng maikiling pamamalagi ay tinatanggap ng Visa application centre batay sa kanilang appointment

Para sa appointment Pindutin dito

Para sa lahat ng Marino:

Aming pinapaalam na kung kayo ay magtatalaga ng appointment, maaring gamitin ang nakalaan na appointment para sa mga marino kahit na ang dahilan ng paglalakbay ay para sa negosyo o pagsakay sa itinalagang barko sa Alemanya. Kung hindi man, ang VFS Visa Application Center para sa Germany ay maaaring hindi tanggapin o iproseso ang aplikasyon ng bisa sa ilalim ng hindi tamang kategorya.

Ang mga bayarin sa bisa ay kinakailangang bayaran ng cash mula sa Visa application centre sa oras na isinumite na ang aplikasyon.

Ang bawat indibidual ay nangangailangan ng hiwalay na appointment at magsumite ng hiwa-hiwalay din na aplikasyon. Ang halimbawa nito, kung isang pamilya o grupo ay mag- aaply ng bisa kinakailangan din ng 5 appointements batay sa bilang ng aplikante.

Dahil sa mabilis na pagkapuno ng appointments; Aming nirerekomenda sa lahat ng aplikante na maagang pagtatalaga ng appointment upang maisaayos nang mabuti ang kanilang aplikasyon ng bisa.

Para sa kaayusan at kaginhawaan ng lahat ng aplikante, Aming inirerekumenda ang pagbisita ng aplikante sa Visa application center batay sa itinakdang na oras at araw. Ang pagpapaliban ng pagbisita sa Visa application center ay magreresulta sa pagkawala ng appointment at ito mangangailangan ng panibagong appointment sa pamamagitan ng sistema ng online booking.

Maaring mag-email sa info.geph@vfshelpline.com kung makaranas ng suliranin sa pagskedyul ng appointment batay sa mga nakasaad na detalye;

  • Pangalan
  • Numero ng pasaporte
  • Numero ng ugnayan (contact number)

Pagtatalaga ng bagong appointment

Pinapahintulutan na magtalaga ng iyong bagong appointment ng dalawang beses mula sa dalawang araw batay sa nakatakdang petsa ng appointment.

Ang karagdagang pagbabago ng inyong petsa ay kinokonsederang na panibagong appointment at kinakailangan rin panibagong service charge kung nararapat

Pagkansela ng appointment:

Kung hihilingin ang pagkansela ng inyong bisa appointment, ang singil sa serbisyo ay hindi na maaring maibabalik. Maaring kanselahin lamang ang inyong appointments mula dalawang araw bago sa petsa ng appointment

Para sa pagsasagawa ng panibagong appointment ang pag babayad ng singil sa serbisyo ay muling kinakailangan.

Mga alituntunin at kondisyon

Ang singil sa serbisyo ay hindi na maaring ibalik sa mga sumusunod na sitwasyon at ang panibagong appointment ay kinakilangan ng skedyul:

  • Kung nakaligtaan ang skedyul ng iyong appointment.
  • Kung naantala ang iyong appointment at hindi na matatanggap sa parehong araw.
  • Kung may kakulangan sa aplikasyon ng bisa batay sa patnubay na inilahad, ang aplikasyon ay hindi na maaring tanggapin.
  • Kung mapagpasyahang hindi na magpatuloy sa aplikasyon ng bisa.
  • kung kinansela ang inyong appointment

Mangyaring pindutin ang angkop na link;

  • Para sa pagiskedyul ng appointment pindutin dito
  • Para sa panibagong appointment pindutin dito
  • Para sa kanselasyon ng appointment pindutin dito