Residence Permit
Residence Permit
-
Overview
Ang sino mang may planong manatili sa Finland nang higit sa 90 na araw sa loob ng 180-day period ay kinakailangang mag-apply ng karampatang residence permit.
Ang pagtratrabaho nang walang karampatang work permit ay mahigpit na ipinagbabawal sa Finland. Kailangang mag-apply para makakuha ng permit upang makapagtrabaho sa Finland kahit na ang pamamalagi sa Finland ay hindi lalampas sa 90 araw.
Kung ikaw ay mamamayan ng EU o mamamayan ng Iceland, Liechtenstein, Norway o Switzerland, hindi na kinakailangang mag-apply ng residence permit para manirahan sa Finland.
Ang pagdedesisyun sa aplikasyon ng residence permit ay ginagawa ng The Finnish Immigration Service.
Sino ang Karapat-dapat Magsumite ng Residence Permit Application?
Ang aplikasyon ay dapat na isumite sa bansa kung saan ang aplikante ay legal na naninirahan.
Ang Application Center ay maaari lamang tumanggap ng mga aplikasyon mula sa mga aplikante na legal na naninirahan sa Pilipinas sa araw ng pasumite ng aplikasyon.
Mangyaring Mag-click dito upang mag-book ng appointment
Mangyaring Mag-click dito upang bumalik sa homepage
-
Residence Permit Categories
Ang naaangkop na kategorya ng residence permit ay kailangang piliin ng aplikante batay sa purpose ng pagpunta sa Finland.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kategorya ng residence permit, mangyaring bisitahin ang The Finnish Immigration Service.
-
Application Fees
RESIDENCE PERMIT CATEGORY Paper application ONLINE-application EURO PHP EURO PHP Residence permit (other work, specialist, specialist, researcher, athlete, coach, internship, working holiday, seasonal work 3-6 for months and seasonal work for 6-9 months) 480 31,150 380 24,650 Residence permit for an employed person or self-employed person 750 48,650 590 38,250 Residence permit for studies 550 35,700 450 29,200 Residence permit for minor 300 19,450 270 17,500 First residence permit for an entrepreneur; other entrepreneur 700 45,400 550 35,700 First residence permit for an entrepreneur, start-up entrepreneur 580 37,600 450 29,200 Residence permit on family ties (spouse, other family member in Finland) 580 37,600 530 34,400 D-Visa 120 7,800 95 6,150 Nakumpleto sa https://enterfinland.fi/eServices portal
Ang aplikante na edad 18 pababa ay kinu-kunsederang minor de edad.
Ang katumbas na Service charge sa pag apply sa Finland Application Centre:
SERVICE TYPE SERVICE FEE EURO SERVICE FEE PHP VFS RESIDENCE PERMIT SERVICE 20 € 1,300 PHP Tandaan lamang:
- Ang karampatang fees ay naayon sa kasalukuyang exchange rate, maari itong magbago ng walang pasabi,
- Ang bayad sa Application Centre ay cash o debit/credit card
- Ang bayad ay non-refundable at non-transferable.
Ang application Centre ay nag aalok ng additional optional services na may karagdagang bayad: Para sa karagdagang impormasyon, pindutin Dito
-
Application form
Para sa pag-aaplay - mayroon kang dalawang pagpipilian:
Option 1 - Pag-apply sa pamamagitan ng Enter Finland e-service
Punan ang application para sa residence permit sa pamamagitan ng Enter Finland. Piliin ang tamang application form batay sa rason ng pagpunta sa Finland (halimbawa, trabaho, pag-aaral o isang miyembro ng pamilya sa Finland).
Ang Enter Finland ay gagabay sa iyo sa proseso ng pagpuno sa iyong aplikasyon. Hindi kailangang i-save nang manu-mano ang iyong application. Habang pinupuno mo ang iyong aplikasyon sa Enter Finland ito ay awtomatikong mase-save.
Magbayad gamit ang credit card o ang online bank credentials ng isang Finnish na bangko. Kung mayroon kang mga isyu sa pagbabayad, mangyaring makipag-ugnay sa Application Centre. I-print ang Certificate of a pending online case. Kakailanganing ibigay ang certificate print-out sa pagbisita sa Application Centre.
Ipadala ang iyong mga karagdagang dokumento sa pamamagitan ng Enter Finland. Ang mga dokumentong ilalakip sa iyong online na aplikasyon ay kailangang nasa elektronikong format. Tiyaking ilakip ang lahat ng mga kinakailangang dokumento.
Kapag isinumite ang iyong aplikasyon sa pamamagitan ng Enter Finland, kailangang bisitahin ang Application Centre upang patunayan ang iyong pagkakakilanlan, upang ipakita ang orihinal na kopya ng mga attachment na kinakailangan para sa iyong aplikasyon at upang makuha ang iyong mga fingerprint. Kung nag-apply ka sa Enter Finland, kailangan mong patunayan ang iyong pagkakakilanlan sa loob ng tatlong buwan mula sa pagsumite ng iyong aplikasyon.
Option 2 -Pag-aaplay sa Application Center gamit ang paper application
Piliin ang angkop na kategorya ng residence permit sa website ng The Finnish Immigration Service
Matatagpuan ang paper application form sa dulo ng piniling residence permit site. I-print ang application form.
Punan ang paper application form sa Finnish, Swedish o Ingles at ihanda ang mga kinakailangang dokumento.
Kailangang ipresenta ang orihinal, kung maaariý mga legalisadong dokumento at ang mga pagsasalin nito sa oras ng pasusumite.
-
LEGALIZATION
Ang opisyal na certificates patungkol sa family ties, tulad ng birth at marriage certificates, ay dapat legalised kung ito ay hindi issue ng Nordic authorities. Kung ang document ay hindi naka saad sa Finnish, Swedish o English, ito ay dapat na may angkop na translation ng isang authorized na translator. Ang original documents at ang translations ay dapat na naka legalised.
Ang Consular Office ng Finland sa Pilipinas ay nag le- legalise ng dokumentong ipinagkaloob ng Philippine authorities matapos ito ma-legalised ng Department of Foreign Affairs (DFA).
PAALALA sa mga aplikante gumagamit ng Enter Finland!
Bago mag apply ng residence permit, kailangang naka-legalise ang mga dokumentong gagamitin. Kailangang kumuha ng appointment sa Consular Office ng Finland sa Manila matapos mag bayad ng legalisation sa kanilang bank account.
Para sa karagdagang impormasyon patungkol sa serbisyo ng legalization bisitahin ang website ng Consular Office click here
-
Photo Specifications
Tandaan: Ang technical na requirements ng photo ay dapat itinalaga ayon sa panuntunan ng Finnish police requirements.
-
DNA at Interview
Ang The Finnish Immigration Service ay maaaring magalok o hilingin sa aplikante at sponsor na magpa-DNA test kung walang ibang paraan upang lalong matiyak ang biological na relasyon sa pagitan ng dalawa.
Ang aplikante ng residence permit ay maaaring makatanggap ng request para sa isang interbyu kung kinakailangan ang dagdag na impormasyon at paglilinaw. Ang interbyu ay isasagawa ng opisyal ng Embahada o ng Finnish Immigration Service.
Para sa karagdagang impormasyon mangyaring bisitahin ang The Finnish Immigration Service.