Button Top

Pagkatapos Ipasa

Pagkatapos ipasa ang mga dokumento sa “Visa Application Centre” maaari mo ring alamin ang estado ng iyong aplikasyon sa “online” sa pamamagitan ng pagbibigay ng iyong natatanging “Reference Number” at ang petsa ng iyong kapanganakan. (Ang Reference Number ay maaaring makita sa “invoice-cum-receipt” na ibibigay sa Visa Application Centre sa panahon nang pagsusumite na nagsisimula sa

Kinakailangang ikaw ay maghintay hanggang ang Embahada ng Alemanya ay makagawa na ng desisyon sa aplikasyon ng iyong bisa. Ang timeline na ibinibigay ng Embahada ng Pederal na Republika ng Alemanya para sa pagproseso ng bawat aplikasyon ay hindi bababa 2 linggo. Subalit, kinakailangang tandaan ng mga aplikante na ang bawat aplikasyon ay indibidwal na sinusuri at maaaring maiba ang panahon ng pagproseso.

kung iyong tinangkilik ang SMS traking service, matatanggap mo ang awtomataiko mensahe sa SMS at Email alerts, sakaling matapos na pagproseso sa iyong aplikasyon ito ay ipapadala nse serbisyo na courier o maaring kolektahin sa Visa Application Centre. Ang mga alertong ito ay matatanggap mo sa iyong numero at email address na ibinigay sa pagsusumite ng aplikasyon.

Kung gusto mong malaman ang estado ng iyong aplikasyon pindutin dito

Ang pagkolekta ng pasaporte ay mula 14:00 – 16:00 Lunes hanggang Biyernes maliban sa mga idineklarang araw ng Pista Opisyal.

Sa panahon ng pagkolekta ng pasaporte sa Visa Application Centre, kinakailangan na ihanda ang mga sumusunod:

  • Orihinal na resibo na ibinigay ng opisyal ng VFS sa panahon ng pagsusumite ng aplikasyon
  • Orihinal at kopya ng wastong pagkakakilanlan
  • Para sa mga menor de edad: kopya ng sertipiko ng kapanganakan o pagkakakilanlan sa paaralan
  • Magsumite ng apidabit ng pagkawala para sa anumang kaso ng nawalang ng resibo.

Pakitandaan:

Mga kinatawan/ahente/consultant na kokolekta ng pasapoprte sa counter ay kinakailangang maghanda ng orihinal na resibo at sulat ng pahintulot mula sa aplikante na malinaw na isinasaad ang pangalan ng aplikante at ng tao/ o ahensya na pinahintulutang kumolekta ng pasaporte alang-alang sa kanila.

Kung ninais mo ang courier na serbisyo at makuha ang iyong pasaporte sa labas ng Visa Application Centre, ihanda ang mga sumusunod na dokumento:

  1. Orihinal na resibo
  2. Dokumentong nagpapatunay ng iyong pagkakakilanlan
  3. Sulat ng pahintulot
  4. Orihinal at kopya ng pagkakakilanlan ng kinatawan
  5. Magsumite ng apidabit ng pagkawala para sa anumang kaso ng nawalang ng resibo.
Nakaraan