Button Top

Bisa para sa Panandaliang pagbisita

Bisa sa Schengen

Ang mga mamamayan ng na hindi kabilang sa EU na bansa ay kailangang humawak ng isang wastong Schengen na bisa kapag naglakbay sa mga lugar ng Schengen, ito ay isang pangkat ng mga bansa sa Europa na nagbibigay-daan sa isang tao, na tanggapin sa mga lugar ng Schengen, upang maglakbay nang walang anumang karagdagang anyo sa mga kontrol ng hangganan sa loob ng lugar ng Schengen.

Ang kasalukuyang Schengen na mga bansa ay: Austria, Belgium, Czech Republic, Denmark, Estonia, Finland, France, Germany, Greece, Hungary, Iceland, Italy, Latvia, Liechtenstein, Lithuania, Luxembourg, Netherlands, Norway, Poland, Portugal, Slovakia, Slovenia, Espanya, Sweden at Switzerland

Ang isang Schengen na bisa ay isang maikling bisa ng pananatili, ibig sabihin, ay maaring mananatili hanggang 90 araw, na nagpapahintulot sa may-ari nito na magpalipat-lipat ng pag-lalakbay Schengen na teritoryo

Ang isang Schengen na bisa ay maaring makuha o maiapply mula sa Embahada o Konsulado ng mga Schengen na bansa, na siyang magiging pangunahing patutunguhan o destinasyon (ie kung saan ang pinakamagatagal na pagbisita) sa isang paglalakbay sa mga lugar sa Schengen.

Ang isang biyahe ay isinasaalang-alang kapag ang isang aplikante ay pumasok na sa mga lugar sa Schengen, manatili doon at kalaunan ay kailangan ring umalis sa lugar ng Schengen sa isang tiyak na panahon.

Kung ang isang solong biyahe at bilang ng gabi na igugugol sa mga ibat-ibang bansa sa Schengen ay pantay lamang, ang Schengen na bisa ay kailangang makuha o iaapply sa Embahada o Konsulado ng isang bansa kung saan una kang papasok.

Ang dokumentasyon na may kaugnayan sa paraan ng paglalakbay at tirahan ay dapat masaklaw ang kumpletong itineraryo ng isang paglalakbay sa mga Schengen na bansar; ibig sabihin, ang mga tiket sa paglalakbay ay dapat ibigay, hindi lamang para sa paglalakbay mula sa at sa Schengen na lugar, kundi pati na rin para sa paglalakbay sa pagitan ng iba't ibang bansa sa Schengen, kapag higit sa isang bansa ang pupuntahan sa panahon ng isang paglalakbay.

Ang bawat aplikasyon ng Schengen na bisa ay dapat na ganap sa alinsunod sa mga dokumentong kinakailangan para sa kani-kanilang kategorya ng bisa at maaari lamang isumite hanggang 3 buwan bago ang inaasahang petsa ng pag-alis.

Ang pagtanggap ng aplikasyon ng Schengen na bisa at mga dokumentong sumusuporta sa pamamagitan ng VFS ay hindi ginagarantiyahan ang pagbibigay ng isang Schengen na bisa

Ang pagpapalabas ng isang Schengen na bisa, at ang panahon na itinakda sa bisa, bilang ng pag-pasok at tagal ng mga araw ng paglalakbay ay nasa tanging pagpapasya lamang ng Embahada.

Kung ang isang aplikasyon ng bisa ay ibinalik ng Embada at humihiling para sa mga kaukulang dokumento o anumang iba pang kakulangan / hindi tamang impormasyon, kailangang tanggapin nang aplikante ang responsibilidad para sa anumang pagkaantala na maaaring mangyari sa panahon ng pagpoproseso ng aplikasyon ng bisa.

Ang may hawak na wastong bisa sa Schengen ay hindi ginagarantiyahan ang pagpasok sa alinmang bansa sa Schengen kahit na sila ay may wastong bisa para sa mga bansang ito. Ang bisa ay nakabatay parin sa mga opisyal ng Kontrol ng Imigrasyon.

Ang mga sumusunod na mga kategorya ay itinuturing na Maikling bisa ng Pananatili.