Button Top

Mga Regulasyong Pang-seguridad

Abiso sa seguridad para sa mga aplikante na bibisita sa Visa Application Centre (VAC) para sa Alemanya

Sa kadahilang pang seguridad, ang mga sumusunod ay mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng Application Centre:

  • Lahat ng de baterya o electronic na gamit katulad ng camera, radyo, CD, MP3, laptop, o mga portable na music player.
  • Ang mga bag at personal na kagamitan ng mga aplikante ay hindi maaring ipasok sa loob maliban sa maliit na handbag. Ang mga bagay tulad ng storage device, baril, matatalim na bagay, madaling masunog at nakakasunog na bagay, at iba pa, ay pinagbabawal ding ipasok. Ang mga listahan ng mga ipinagbabawal ay naka display sa pasukan ng VAC.
  • Mga selyadong envelope o pakete. Mga nakakasunog tulad ng lighter, posporo, at iba pa.
  • Kahit anong matatalim na bagay gaya ng gunting, kutsilyo o nail filer.
  • Sandata o mukhang sandatang gamit o mga sumasabog na material ng kahit anong uri.

    Ang mga nakalista sa itaas ay walang katapusan. May mga bagay na maaaring ipagbawal base sa diskresyon ng mga security staff.

    Para na rin sa seguridad, hindi namin pinapayagan ang ibang partido gaya ng mga kaibigan, kamag anak o business contact na samahan ang mga aplikante. Subalit ang mga tagapagsalin ay maaaring sumasama sag a aplikanteng may kapansanan o may ibang dialekto na walang nakakaunawa sa loob ng Visa Application Centre.

    PAKATANDAAN: Wala kaming pasilidad para maitago ang mga ipinababawal na gamit. Kailangang magkaroon kayo ng alternibong paraan para maitago ito bago kayo makapasok sa centre.

    Mangyaring ipagbigay alam sa kahit na sinong miyembro ng aming opisina ang anumang tulong kakailangangin habang kayo ay bumibisita sa Centre.

    Bilang pagpipilian maaaring pansamantalang maglagak ng bag at electronic gadgets sa cloaking facility (nagkakahalagang Php. 75.00). Magtanong lamang sa security personnel patungkol dito. Ang cloaking facility ay hindi maaring gamitin upang mag tago ng anumang pinagbabawal na mga bagay.

    Ang VFS ay hindi responsable sa anumang pagkawala o pag kasira na anumang personal na kagamitan. Ang aplikante ay tinalagang maging responsable sa pansariling kagamitan at siguruhing pag bawi ng mga personal na kagamitan bago lisanin ang Application Center.

    Sa kadahilanang pang- seguridad, hindi namin pinahihintulutan ang mga kasamang partido tulad ng mga kaibigan, kamag-anak o kakilalang pang kalakalan na samahan ang mga Visa applicants. Gayunpaman, pinapayagang samahan ang may karamdamang pang pisikal kabilang na ang karamdaman sa pandinig at mga Senior Citizen